G7 support sa arbitral ruling, magpapalakas sa claim ng Pilipinas sa disputed islands ayon sa isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Cagayan De Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez ang pinakahuling statement ng G7 o grupo ng mga mauunlad na bansa, sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration at pagsasawalang bisa sa maritime claims ng China sa South China Sea.

Pinasalamatan ni Rodriguez ang G7 sa pangunguna ng Estados Unidos sa kanilang suporta.

Aniya, dahil dito mas palalakasin nito ang posisyon ng Pilipinas na dapat respetuhin ng China ang 2016 ruiling na ipinananalo ng nakaraang administrasyong Aquino, at kilalanin ang  territorial sovereignty sa mga isla, katubigan at nga yamang dagat.

Dagdag ng mambabatas, ang disputed islands ay sakop pa ng 200 miles exclusive economic zone  (EEZ) ng Pilipinas sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Muli naman nanawagan ang Mindanao Solon sa Marcos Administration, na simulan nang i-explore ang natural gas at crude oil sa Recto Bank o Reed Banks sa Palawan.

Ang G7 at kinabibilangan ng US, Canada, United Kingdom, France, Germany, Italy at Japan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us