Binilinan ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairperson Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. ang lahat ng ahensya ng gobyerno na mag “act as one” o magkaisa sa paghahanda sa pagdating ng bagyong Mawar.
Sa NDDRMC full council meeting kahapon, binigyang diin ni Galvez ang concern ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ma-mitigate ang anumang panganib ng bagyo sa pamamagitan ng mahusay na paghahanda.
Binigyang diin ni Galvez, ang pangangailangan ng maayos na koordinasyon at “facilitation” sa pagitan ng lahat ng ahensya sa panahon ng kalamidad.
Partikular na tinukoy ni Galvez, ang mahalagang papel ng Office of Civil Defense (OCD), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa pagpupulong ay nagbigay ng pag-uulat ang iba’t ibang ahensyang miymebro ng council, at tiniyak ang kanilang kahandaan sa paparating na bagyo. | ulat ni Leo Sarne