GCG, hinamong pangunahan ang maayos at transparent na pagsisilbi sa bayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinamon ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan ang Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations (GCG) na maging ehemplo sa iba pang lingkod-bayan, at manguna sa maayos at tapat na pagsisilbi.

Ayon sa mambabatas, dapat ay lalo pang isabuhay ng GCG ang kanilang mantra na maging G.R.E.A.T. o ipatupad ang Good Governance, Rightsizing, Efficiency, Accountability and Transparency upang gayahin rin ang iba pang mga ahensya ng gobyerno.

“Commit to be G.R.E.A.T.—greater and better, not only for yourself, but for the Filipino people. Hindi lang ito trabaho, commitment ito. Commitment ninyo ito sa inyong sarili at sa taumbayan,” paalala ng kinatawan.

Dagdag pa ni Yamsuan, hindi madali ang trabaho ng GCG na bantayan ang operasyon ng nasa 118 GOCC ngunit kumpiyansa siya sa pamumuno ni GCG Chairperson Justice (ret.) Alex Quiroz na pangunahan ang mga empleyado na maging responsable, tumutugon at produktibo.

Personal na inimbitahan ni Quiroz ang mambabatas sa flag raising ceremony ng ahensya. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us