Globe ikinasa ang kampanya vs kagutuman, Longest Hapag inilunsad

Facebook
Twitter
LinkedIn

NANINDIGAN laban sa kagutuman, inilunsad ng Globe ang Longest Hapag— isang five-month nationwide food festival series.

Ang kampanya ay bilang paggunita sa World Hunger Day nitong Linggo, Mayo 28, sa gitna ng pinaigting na pandaigdigang panawagan na puksain ang talamak na kagutuman.

Ang inisyatiba ay bahagi ng Globe-led Hapag Movement, na naglalayong makatulong sa pagtugon sa problema ng involuntary hunger ng 13.5 milyong Pilipino. Kumakalap ito ng pondo at nagpapalaganap ng kamalayan hinggil sa problema habang pinalalakas ang komunidad para lumikha ng tuloy-tuloy na kabuhayan.

“Involuntary hunger is one of the critical societal challenges of our time. With the Longest Hapag, we are leveraging strategic partnerships and collective effort to confront the hunger problem that continues to affect our nation,” wika ni Yoly Crisanto, Globe Group Chief Sustainability and Corporate Communications Officer.

Bahagi ng kampanya ang panawagan sa mga restaurants, food chains, chefs, commercial centers, brands at civic organizations na magsagawa ng fund raising efforts sa pamamagitan ng pag-
aalok ng kanilang mga pagkain bilang suporta sa Hapag Movement at makiisa sa determinasyong sugpuin ang kagutuman sa bansa.

Ang Longest Hapag ay kaalinsabay rin ng local food festivals sa buong bansa na magtatapos sa World Food Day sa October 16, 2023.

Si Chef Jessie Sincioco ang unang culinary expert na sumuporta sa Hapag Movement. Inilunsad niya ang special Hapag menu kung saan kalahati ng kita ay mapupunta sa mga implementing partners at kanilang family beneficiaries.

Nagsilbing inspirasyon ng Longest Hapag campaign ang project Chefs Unite ni Sincioco para himukin ang mga chef sa buong mundo na suportahan ang Hapag Movement kung saan nangako na rin ng suporta sina Chefs Sau Del Rosario at Kay Carreon.

Sa matagumpay na fundraising activities tulad ng Hapag ni LuzViMinda fund-raising dinner, at ng kontribusyon ni Chef Kay sa kinita ng kanyang libro, pinatunayan ng Chefs Unite ang lakas nito para makatulong ang culinary industry sa kampanya kontra kagutuman.

Sa kabila ng bahagyang pagbaba sa food insecurity sa 9.8%, ang kagutuman ay nananatiling mas mataas sa pre-pandemic levels sa Pilipinas. Ito ay pang-67 sa 113 bansa sa 2022 Global Food Security Index, mas mababa sa global average.

“We invite everyone to be a part of the Longest Hapag and make a tangible difference. By working together, we can help families conquer the problem of involuntary hunger and help uplift the lives of our fellow Filipinos,” dagdag ni Crisanto.

Ang Hapag Movement ay may life-enabling support sa pamamagitan ng supplemental feeding at livelihood opportunities sa hunger-afflicted communities sa pamamagitan ng mobilization partners nito na Ayala Foundation Inc., Caritas Philippines, Scholar of Sustenance, Tzu Chi Foundation at World Vision.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us