Government Arsenal sa Bataan, binisita ni Defense OIC Carlito Galvez Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binisita ngayong araw ni Department of National Defense (DND) Officer-In-Charge, Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. ang Government Arsenal sa Lalawigan ng Bataan.

Dito, tiningnan ng Defense Chief ang sitwasyon ng pangunahing pagawaan ng armas at bala ng pamahalaan gayundin ay kinumusta niya ang mga tauhan nito.

Kasunod nito, pinapurihan ng Defense Chief ang mga tauhan ng Government Arsenal sa on target na produksyon nito ng mga bala, at mababang rejection rate.

Ilan lamang sa mga balang ginagawa rito ay ang mga bala para sa M4-type assault rifle gayundin sa 9mm MP9-carbine na siyang nasubukan naman na ng Philippine Army.

Dahil dito, sinabi ni Galvez na hindi malayong maabot ng Pilipinas ang self-reliant sa defense posture nito, na makatutulong naman sa pagpapalakas ng kakayahan ng Sandatahang Lakas sa anumang hamong kaharapin nito sa hinaharap. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: DND-PADS

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us