Green Maritime Economy, itataguyod ng DOTr tungo sa pagpapalago ng ekonomiya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad ang Department of Transportation ng mga hakbang sa pamamagitan ng green maritime economy at sustainable consumption upang tumulong sa ekonomiya ng bansa.

Sa ginanap na Asia Pacific Economic Cooperation Maritime Cooperation Launch sa Detroit, Michigan, binigyang-diin ni Transportation Undersecretary Elmer Sarmiento na committed ang Pilipinas na isulong ang International Maritime Organization’s Strategy.

Kabilang na rito ang Greenhouse Gas Reduction mula sa mga barko at pagpapatupad ng large-scale decarbonization habang itinataguyod ang potensyal ng Paris Agreement.

Ipinaliwanag ni Sarmiento na nakatuon ang pansin ng bansa sa sustainability at clean growth kaya palalakasin ang kontribusyon sa pagbabawas ng greenhouse gas emissions.

Magsisilbi aniya itong pundasyon ng inklusibo, matatag at maituturing na green economic recovery mula sa COVID-19 pandemic kasama na ang pagbuo ng climate priorities tulad ng energy transition at nature-based solutions.

Handa rin ang Pilipinas na makipagtulungan sa ibang bansa para sa mga isyung may kaugnayan sa kalikasan. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us