GSIS at PhilHealth, lumagda ng kasunduan para sa libreng health consultation ng PhilHealth members

Facebook
Twitter
LinkedIn

Seryoso ang Government Service Insurance System (GSIS) sa pagtulong sa pamahalaan na mapalawak ang healthcare benefit ng mga Pilipino.

Sa ika-86 anibersaryo ng GSIS ngayong araw (May 31), sinabi ni GSIS President Wick Veloso na kaninang umaga, lumagda na sila ng kasunduan katuwang ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa paglalabas ng GSIS Surety Bonds para sa primary care provider network ng PhilHealth.

“Nitong umaga lamang, pumirma kami ng kasunduan kasama ang PhilHealth, para sa pagpapalabas ng GSIS surety bonds for PhilHealth’s primary care provider networks.” — Veloso

Sa pamamagitan aniya ng surety bonds na ito, ang bawat PhilHealth member ay mabibigyan ng libreng konsultasyon mula sa mga pangunahing healthcare facility sa bansa.

“Sa pamamagitan ng surety bonds na ito ang bawat PhilHealth member ay mabibigyan ng libreng konsultasyon sa primary healthcare facilities ng bansa, kasi ensured ng GSIS ang PhilHealth.” — Veloso

Pagbibigay diin ng opisyal, layunin nila sa GSIS na matulungan ang mga Pilipino. Aniya, tuwing magkakasakit ang isang empleyado ng pamahalaan dapat ay sa pagpapagaling na lamang ito nakatutok, at hindi sa kung magkano at saan huhugutin ang pambayad sa ospital. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us