Umabot sa 1,898 individuals ang napagkalooban ng tulong-pinansyal sa ilalim ng TUPAD program sa Bacolod City.
Magkatuwang ang Office of the Vice President (OVP) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa distribusyon ng suweldo, na ginanap sa Bacolod City National High School Gymnasium.
Nasa ₱9.3 million ang ipinamahagi sa mga benepisiyaryo mula sa 17 barangay sa lungsod at bawat isa ay tumanggap ng ₱4,500.
Sa kanyang mensahe sa TUPAD workers, kinilala ni Vice President Sara Duterte ang sakripisyo ng mga manggagawang Pilipino.
Kaisa aniya ng mga manggagawa ang gobyerno sa paninindigan sa pag-asang matutupad ang pangarap ng progresibo, inklusibo at matatag na bansa. | ulat ni Hajji Kaamiño