Isang high value individual na sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa lungsod ng Naga ang natimbog ng mga pulis, batay sa ulat ng Police Regional Office 5, Camp General Simeon Ola, sa lungsod ng Legazpi.
Ayon kay PNP Bicol Regional Director Pol Brig. Gen. Westrimundo D. Obinque, ang suspek ay kinilalang si John Joseph Yukim y Cañaveras, 34 na taong gulang, at mula sa Naga City.
Natiklo ito ng mga awtoridad sa Zone 2, LCC Exit Terminal, Sabang, Naga City.
Nakuha sa kanyang ari-arian ang halos isang kilo na pinaniniwalaang shabu, na may halagang P6.8-M matapos magpanggap ang isang police officer na buyer.
Naging matagumpay ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng ODRDO-RPDEU5 Team Naga City, Camarines Sur; City Drug Enforcement Unit; at Police Station 1 Naga CPO sa pakikipag-ugnayan ng PDEA Regional Office V.
Ang suspek ay nasa kustodiya ng Naga City Police Station 1 sa ngayon habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na isasampa laban sa kanya.
Ayon kay Obinque, resulta ito ng puspusang kampanya ng pulisya, sa tulong ng PDEA at ibang law enforcement agencies laban sa operasyon ng iligal na droga sa Bicol.
Aniya, patuloy, ang massive operation ng kanyang mga tauhan sa anim na lalawigan sa rehiyon. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay