Higher Education Development Fund, pinagagamit ng isang mambabatas para sa scholarship ng mga mag-aaral

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinalamapag ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Representative Paul Daza ang Commission on Higher Education (CHED), na gamitin ang P10 billion Higher Education Development Fund para sa scholarship ng mga mag-aaral.

Ayon kay Daza, dapat ay gamitin na lamang din ng CHED ang naturang pondo para tulungan ang mga mag-aaral, matapos ang napaulat na malaking pagbaba sa bilang ng mga estudyante na nag-eenrol sa private at public schools.

Ngunit tugon ni CHED Chair Prospero de Vera, salig sa isang executive order ay hindi nila maaaring gamitin ang naturang pondo maliban sa kung ano ang nakasaad sa batas.

Nakadepende rin aniya sa fiscal space ng pamahalaan kung magkano ang pondo na maaaring ilabas sa kanila ng CHED para sa HEDF.

Dagdag pa ng opisyal, na lahat ng scholarship program ay ipinasok na sa UNIFAST, kaya’t ang HEDF ay kanilang itinuon sa pagpapabuti ng kagamitan at equipment ng mga higher education institution.

Ngunit giit ni Daza, noong 2016 ay nagamit na ang HEDF para sa scholarship.

“P2 billion or more than half of the HEDF in 2016 was used for student-related support, or the provision of assistance, incentives, scholarships, and grants through Student Financial Assistance Programs…Meaning there’s already precedent for HEDF to be utilized by CHED for poor students, needy students…Pag ang puso po natin andyan, talagang gusto po natin tulungan yung mga mahihirap, pwedeng gamitin ng CHED yung 10 billion today without having to wait for the next GAA” ani Daza. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us