Higit ₱18-M halaga ng cocaine, naharang ng PDEA sa Clark Airport

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bigong maipuslit ng isang foreign national ang hinihinalang cocaine matapos na maharang ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Clark International Airport, Martes ng gabi, May 23.

Sa ulat ng PDEA, tinatayang 3,468 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng ₱18,380,400 ang bitbit ng 48-taong gulang na lalaking pasahero mula sa Surinamse, South America nang lumapag ito sa Clark sakay ng United Arab Emirates Flight EK 338 bandang 6:31 pm. 

Siya ay naaresto naman dakong alas-7:44 ng gabi matapos tangkaing ipuslit ang mga iligal na droga na nakatago sa loob ng kanyang jacket.

Ang matagumpay na interdiction operation ay magkatuwang na isinagawa ng mga operatiba sa pangunguna ng PDEA Clark Inter Agency Drug Interdiction Unit, PDEA Region III, PDEA Region 7, PDEA ICFAS, Bureau of Customs Port of Clark, Bureau of Immigration, NBI Pampanga District Office at PNP Aviation Security Unit 3.

Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nadakip na suspek.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us