Higit ₱2-M halaga ng Ketamine, nasabat ng PDEA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang isang indibidwal matapos tanggapin ang nasa ₱2-milyong halaga ng Ketamine sa isinagawang controlled delivery operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Mangahan, Pasig City nitong Huwebes, May 18.

Kinilala ang lalaking claimant na si Danilo De Guzman na may alias John Vincent Cruz, 23-taong gulang at residente ng Maynila.

Ayon sa PDEA, nagmula ang 424 gramo ng Ketamine sa Poland at dumating sa Port of Clark noong May 14, 2023.

“The parcel containing illegal drugs was declared as Rose Candle. Series of test indicated presence of illegal drugs that prompted us in launching controlled delivery operation,” pahayag ng PDEA team leader.

Ang Ketamine ay isang hallucinogenic drug na nagpapa-high kapag inabuso ng tao.

Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang claimant ng naturang parcel.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us