Higit 10,000 free Wi-Fi sites, target buhayin ng DICT ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dagdag na 10,516 na free Wi-Fi sites ang target gawing operational ng DICT bago matapos ang taon.

Sa pagharap ng ahensya sa House Committee on Appropriations, sinabi ni DICT Assistant Secretary Heherson Asiddao na sa kasalukuyan ay mayroong 3,961 active free Wi-Fi sites sa bansa.

At batay sa kanilang plano, gagawin itong 14,477 bago matapos ang taon na pawang itatalaga sa mga ospital ng gobyerno, tourist spots, transport areas, at state universities and colleges.

Gagamitan ang mga ito ng Universal Internet Service, VSAT at Satellite Internet Access.

Sa naturang briefing ay inamin ng DICT na kanilang ikinagulat na mula sa dating 11,000 sites na binuksan noong 2018 ay bumaba ito sa 3,900 sa kanilang pag-assume sa ahensya.

At dito nila natuklasan na imbes na ipambayad para sa pagpapatuloy ng subscription ay inilipat ang pondo sa ibang proyekto kayat hindi umano ni-renew ang kontrata sa mga internet provider dahilan para maputulan ng koneksyon ang karamihan.

Sa ngayon ay inaayos naman na anila ng ahensya ang pagbabayad sa naturang service providers na nagkakahalaga ng ₱1.5 billion.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us