Higit 20% na COVID positivity rate, naitala sa NCR, 7 pang lalawigan — OCTA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang mga lugar sa bansa na may mataas nang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Sa ulat ng OCTA Research Group, as of May 6 ay mayroon nang 8 lugar sa bansa ang may higit 20% na COVID-19 positivity rate o nasa high risk level.

Kabilang dito ang Metro Manila na umakyat pa sa 22.7% ang positivity rate mula sa 17.2% noong April 29.

Pinakamataas naman ang covid positivity rate sa lalawigan ng Camarines Sur na sumirit na sa 45.1% mula sa 39.7%

Mataas rin ang positivity rate sa Batangas, Bulacan, Cavite, Isabela, Laguna at sa lalawigan ng Rizal.

Sa kabuuan, tumaas na rin sa 19.9% ang naitalang positivity rate sa buong bansa.

Sa pagtaya naman ng OCTA ay posibleng sumampa sa 1,400-1,600 ang covid news cases ngayong Lunes. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us