Inaasahan na mas magiging mapayapa ang pang araw araw na pamumuhay ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) habang sila ay nasa Penal Farm.
Ito ay matapos isailalim sa Anger Management ang ilang PDL tulad ng 273 na PDL sa San Ramon Prison and Penal Farm.
Matatandaan may pagkakataon na nagkakainitan sa loob ng mga piitan, nauuwi sa rambulan kung saan nag-iiwan ito ng patay at mga sugatan. | via DK Zarate