Higit 30 aftershocks, naitala kasunod ng magnitude 5.5 na lindol sa Maconacon, Isabela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakararanas ng aftershocks ang ilang bahagi ng Isabela kasunod ng tumamang Magnitude 5.5 na lindol sa lalawigan kaninang umaga.

Ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), hanggang kaninang alas-11 ng umaga ay mayroon nang 39 aftershocks ang naitala.

Mula rito, 9 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon habang dalawa naman ang may kalakasan at naramdaman ng mga residente.

Ang mga naitalang aftershock ay may lakas na mula magnitude 2.3 hanggang 4.2

Una na ring ibinaba ng PHIVOLCS sa Magnitude 5.5 ang lindol sa Isabela mula sa inisyal na naitalang Magnitude 5.8 na lindol kaninang umaga. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us