House Committee on Ethics, walang pinipili o pinapaborang mambabatas na iimbestigahan

Facebook
Twitter
LinkedIn


Nanindigan si House Committee on Ethics Chair Felimon Espares na walang isi-single out na mambabatas ang kanilang komite.

Ito ang tugon ni Espares sa hamon ni Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr., na imbestigahan din ang kaugnayan ni House Speaker Martin Romualdez sa joint venture ng Prime Media Holdings at ABS-CBN.

Sa isang virtual presser, pinuna kasi ni Teves ang pagkakasangkot umano ni Speaker Romualdez sa negosyo kung saan kasama ang pagbibigay ng prangkisa.

Ayon kay Espares, wala pa silang impormasyon o natatanggap na reklamo hinggil sa sinasabing joint venture at hindi rin aniya nila ito pangungunahan.

“We will take that but then as of this time wala talaga kaming information about doon, so unless mag surface. So hindi naman pwede na mag-single out dito. So again wala po akong, or even the members any information with regards to that matter and hirap naman yun na pangunahan natin unless na talagang may katotohanan.” ani Espares

Batay sa panuntunan, anumang reklamo laban sa isang mambabatas ay maaaring ihain ng sinumang miyembro ng Kongreso, motu proprio ng komite, Committee on Rules, Speaker of the House at maging non-member ng House of Representatives, basta’t ang reklamo o petisyon ay may sapat na form at content. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us