House Labor Panel, humingi ng pag-unawa sa mga manggagawa; pagtalakay sa wage hike bills, hindi maaring madaliiin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humingi ng pang-unawa at kaunti pang pasensya si House Committee on Labor and Employment Chair at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles hinggil sa pagtalakay sa mga panukalang magtataas sa sahod ng mga manggagawa.

Ayon sa kongresista, batid nila ang panawagan ng mga manggagawa para maitaas ang minimum wage rate lalo at nananatiling mataas ang presyo ng batayang bilihin.

Ngunit kailangan aniya nilang maging masinop sa pagtalakay at paghimay sa naturang mga panukala upang tiyak na maresolba ang hinaing ng mga empleyado at maprotektahan din ang kapakanan ng iba pang stakeholders.

“Naiintindihan natin ang pinagmumulan ng panawagang ito. Ngunit kailangan din nating balansehin ang interes ng iba pang stakeholders. We cannot rush our deliberations on such a crucial measure. Kaunting pasensiya pa po, para masiguro natin na ang ipapasa nating batas ay tunay na makakaresolba ng problemang hinaharap ng ating mga manggagawa,” apela ni Nograles.

Pagtitiyak naman nito na patuloy na itutulak ng Kongreso ang mga batas na makatutulong para mapaangat pa ang estado ng mga manggagawa maging ang mga sektor at industriya kung saan sila nagta-trabaho.

“As we strive to recover from the massive blow dealt by the pandemic, our people can rest assured that we will continue fighting for workers’ welfare through meaningful legislation and by working with the government, industries, and workers themselves,” dagdag ng mambabatas.

Umaasa naman ang kinatawan na makatutulong pa rin ang P1.8 billion na financial assistance ng DOLE sa mga empleyado habang inaaral ang pangmatagalang solusyon sa kanilang apela. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us