House panel Chair, bibigyan ng isa pang pagkakataon si Cagayan Gov. Mamba na dumalo sa pagdinig ng komite sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si House Committee on Public Accounts Chair Joseph Stephen Paduano na dadalo na sa kanilang pagdinig si Cagayan Governor Manuel Mamba.

Ito aniya ay upang marinig din ng komite ang panig ng governor hinggil sa umano’y paglalabas ng public funds ng Provincial Government ng Cagayan, sa gitna ng 45-day election ban noong 2022 na paglabag sa Omnibus Election Code.

Partikular dito ang pondo para sa mga programang Oplan Tulong Barangay, No Barangay Left Behind, No Town Left Behind at pamamahagi ng tig-P1,000 sa mga indibidwal sa ilalim ng kanilang KKK program.

Ayon kay Paduano, dalawang beses na silang nagpadala ng imbitasyon kay Mamba para sa isinasagawang investigation in aid of legislation, salig sa House Resolutions 145 at 146 na inihain ni Cagayan 3rd district Rep. Jojo Lara.

Bukas din ang panel chair kahit pa via videoconference dumalo ang governor basta’t siya ay humarap sa pagdinig.

Dagdag pa ni Paduano, kung patuloy na babalewalain ng gobernador ang kanilang imbitasyon ay hindi sya mangingimi na i-cite in contempt si Mamba.

Bukas ay ipagpapatuloy ng House Committees on Public Accounts at Suffrage and Electoral Reform ang naturang isyu. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us