House Panel Chairs, pinulong ang DA at NIA hinggil sa pagpapataas ng suplay ng bigas sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong sina House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co at House Agriculture Committee Chair Mark Enverga, kina Agriculture Undersecretary for Rice Industry Development Leocadio Sebastian at National Irrigation Administration Acting Administrator Eduardo “Eddie” Guillen.

Pangunahing paksa sa pulong ay kung paano magkakaroon ng matatag na supply, at mapababa ang presyo ng bigas sa bansa.

Ilan sa naging suhestiyon ay ang pag-integrate sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng isang water collection system, para gawing patubig sa mga palayan ang makokolektang tubig ulan.

Itinutulak din na itanim sa dry season ang hybrid seeds ng palay na halos triple ang dami ng mapo-produce na bigas.

Ngunit kailangan aniya na ayusin ang irrigation system upang sapat ang patubig sa mga palayan.

Naniniwala naman si Co, na dapat ay bumuo ng iisang plano at magtulungan ang mga ahensya tulad ng DA, NIA, at DPWH, upang mapalakas ang produksiyon ng pagkain sa bansa at maiwasan nang umasa sa pag-import. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us