Iminungkahi ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na i-adopt na lang ng Kamara ang bersyon ng Senado na Estate Tax Amnesty Extension Bill.
Ito aniya ay para hindi na isalang sa bicameral conference committee.
“No more bicam for that one. No need, anyway. House Ways and Means Committee concurs with the provisions of the Senate version,” ani Salceda.
Maliban sa pagpapalawig sa estate tax amnesty hanggang June 2025, se bersyon ng Senado ay sinama na rin ang property ng decedent na pumanaw hanggang noong May 2022…mula sa kasalukuyang December 2017 coverage.
Mayroon din aniyang probisyon ang bersyon ng Senado para sa online filing at mas kakaunting documentary requirement.
Iniklian na rin ng Senado ang paglalabas ng Implementing Rules and Regulations para dito ng 30 araw mula sa 60.
“We agree. So, we will move for adoption. If they can transmit by Monday, we will ratify by Monday…This is a most urgent priority for the House leadership, so, you can count on immediate adoption by the House once we receive the formal transmittal from the Senate. We have also been in constant communication with my Senate counterpart, Senator Gatchalian, to hammer out any style issues.” dagdag pa ni Salceda.
Positibo si Salceda na maisasabatas ito bago ang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 24.
“We will get what we want – enactment before SONA. And they will get what they want: their additional provisions. All’s well that ends well. A congressional majority working for the people,” pagtatapos ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Forbes