House tax Chief, pinapurihan ang mataas na tax collection ng BIR at BOC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang mataas na revenue collection ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs

Ayon kay Salceda, welcome development ang inaasahang P300.9 billion tax collection ng BIR para sa buwan ng Abril.

Nasa 25% aniya itong mas mataas kumpara sa koleksyon ng ahensya para sa kaparehong buwan noong nakaraang taon na nasa P239.6 billion.

Pinuri din ng House tax chief ang Customs na nahigitan ang pa ang kanilang April target collection.

Mula kasi sa P68.19 billion target collection ay naka-kolekta ang BOC ng P68.273 billion o 0.11% na mas mataas.

Patunay aniya na sa kabila ng mga kondisyong panlabas na maaaring maka-apekto sa ating ekonomiya ay nagdodoble kayod ang naturang mga ahensya para makakolekta ng ‘lifeblood’ ng ating gobyerno.

“Please allow me to congratulate the tax collection agencies for good revenue collection performance. Hindi lang good, very good. Despite the volatility in the global economy, at the very least a cloudy global economic climate, the Philippines appears to be in good shape… our tax collection agencies are exceeding expectations and are working hard to earn the lifeblood of the Philippine government.” ani Salceda. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us