Iba pang hadlang sa pag-abot ng Pilipinas sa tourism agenda nito, tututukan ng Marcos Jr. Administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tututukan rin ng pamahalaan ang iba pang hamon sa pagsusulong ng tourism agenda ng Pilipinas, tulad ng issue sa visa.

Pahayag ito ni Information and Communications Technology Secretary Ivan Uy, kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa National Tourism Development Plan 2023-2028.

Ayon sa kalihim, ilan lamang sa mga problema sa visa ay ang pagkakaroon ng limitadong kapasidad ng mga foreign consulate ng Pilipinas sa pag-issue ng visa, tulad ng kakulangan sa personnel at espasyo sa mga pasilidad.

Katuwang ang Department of Tourism (DOT), Bureau of Immigration (BI), at Department of Foreign Affairs (DFA), ang DICT ay magdi-deploy ng e-visa system.

Pinag-aaralan na rin aniya nila ang pakikipagbalikatan sa private partners para sa pagpo-provide ng platforms, para sa deployment ng e-visa system.

Ayon sa kalihim, mapapataas nito ng 10 percent ang kapasidad ng bansa sa pag-issue ng e-visa.

Initial stage pa lamang aniya ang hakbang na ito at patuloy na hahanap ng mga paraan ang bansa, upang mapaigting ang digitalization sa imprastruktura at connectivity ng bansa, upang suportahan ang iba’t ibang tanggpang ng pamahalaan. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us