Ilang bayan sa Cagayan, nananatiling nakaalerto sa epekto ng bagyong #BettyPH kahit hindi direktang tatamaan ng bagyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaki ang pasasalamat ni Cagayan 3rd district Rep. Jojo Lara na hindi direktang tinamaan ng bagyong #BettyPH ang kanilang distrito.

Magkagayunman, aminado ang mambabatas na pinaghandaan ng iba pang mga lokal na pamahalaan ang pananalasa ng bagyo.

Partikular aniya dito ang katabing distrito kung saan karamihan ay nasa coastal area.

Dagdag pa ni Lara na natuto na sila nang manalasa ang bagyong Ulysess sa Hilagang Luzon kung saan ilang araw na nalubog ang kanilang probinsya sa tubig baha. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us