Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kanselado ngayong araw ang dalawang international flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ayon sa ulat ng Manila International Airport Authorities (MIAA) ay kasunod ng masamang panahong nararanasan sa lugar ng destinasyon.

Kabilang na sa mga nakansela ay ang biyahe ng United Airlines Flight UA183 na biyaheng Guam patungong Maynila.

Gayundin ang flight UA 184 na mula naman dito sa Maynila pabalik ng Guam.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa kaukulang rebooking o refund ng kanilang biyahe. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us