Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kanselado ang dalawang international flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ngayong araw.

Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Office, bunsod ito ng nararanasang masamang panahon sa destinasyon.

Partikular na kinansela ang biyahe ng Philippine Airlines PAL flight PR418 mula Manila patungong Busan sa South Korea.

Gayundin ang returning flight nito na PR419 mula sa Busan pabalik ng Manila.

Dahil dito, pinapayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa rebooking o refund ng kanilang biyahe. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us