Ilang carinderia vendors, umaasang di na magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng sibuyas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-aalala na naman ang ilang mga carinderia owner at vendor sa Quezon City sa tumataas na presyo ng sibuyas sa mga pamilihan.

Sa ngayon kase ay umaabot na sa ₱160-₱200 ang bentahan ng kada kilo ng sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Ayon kay Mang Robert na may maliit na carinderia dito sa Muñoz, mahirap para sa kanila kung tataas na naman gaya ng dati ang presyuhan nito.

Hindi pa naman daw masarap kung walang sibuyas ang mga lutong ulam lalo na ang sisig at bistek na patok pa naman sa kanilang mga customer.

Si Mang Rudy naman na assistant cook sa Aling Baby Eatery, sinabing mapipilitan silang magbawas ng pangsahog na sibuyas kung hindi rin mapipigilan ang pagtaas ng presyo nito.

Una nang tiniyak ng Department of Agriculture na hindi na mauulit ang nangyari dati na sumipa sa hanggang ₱700 ang kada kilo ng sibuyas sa bansa.

Ayon kay DA Deputy Spokesperson at Assistant Secretary Rex Estoperez, hindi na mangyayari ang sobrang pagmahal ng presyo ng sibuyas dahil mayroon pa namang mga stock ng sibuyas sa mga cold storage.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us