Ilang commercial flights ang kinansela ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ginawa ito dahil sa hindi magandang kondisyon ng panahon.
Sa Flight Advisory No. 2 na inilabas ng NAIA, as of 12:12 ngayong tanghali, kinansela na ang flight schedule ng Philippine Airlines (PR) PR 437/438 na may biyaheng Nagoya-Manila-Nagoya.
Sunod na ring nagkansela ang flight ng CebGo (DG) airlines DG 6881/6882 na may biyaheng Manila-Surigao-Manila.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline para sa corfirmation ng pagbabago ng oras ng kanilang flight. | ulat ni Rey Ferrer