Ilang international at domestic flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kanselado ang aabot sa 14 na international at domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division, bunsod ito ng nararanasang masamang panahon dulot ng bagyong Betty.

Kabilang sa mga nakansela ay ang biyahe ng United Airlines flights UA 192 at 193 mula Manila patungong Guam at pabalik.

Gayundin ang biyahe ng Cebu Pacific flight 5J 504 at 5J 505 mula Manila patungong Tuguegarao sa Cagayan at pabalik gayundin ang biyaheng 5J 196 at 197 mula Manila patungong Cauayan sa Isabela at pabalik.

Apektado rin ang biyahe ng CebGo flights DG 6055/6056; DG 6043/6044; DG 6047/6048 at DG 6051/6052 na pawang mga biyahe mula Manila patungong Busuanga sa Palawan at pabalik.

Dahil dito, pinapayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa rebooking o refund ng kanilang mga ticket. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us