Good news para sa mga pampublikong tsuper ang panibagong rollback na ipinatupad ngayong araw.
Batay sa abiso ng mga kumpanya ng langis, may rollback na ₱1.50/litro ng gasolina habang ₱1.30/litro naman ang tapyas sa diesel.
Ito na ang ikalawang sunod na linggo na nagkaroon ng rollback sa produktong petrolyo partikular na sa diesel na ikinakarga ng mga jeepney driver.
Ayon sa tsuper na si Mang Jacolbi, malaking bagay para sa kanila ang panibagong rollback dahil hindi na matatapyasan ng pang-krudo ang kanilang kita.
Si Mang Ormeo naman, umaasang masundan pa ito ng malakihang rollback hanggang maibalik ang dating nakasanayan nilang presyuhan.
Samantala, suportado naman ng mga tsuper ang pilot rollout ng single ticketing system sa Quezon City at umaasang maging maayos ang implementasyon nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa