Ilang kumpanya sa US, bukas na i-hire ang mga Pilipinong lumikas mula Sudan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng interes ang ilang kumpaniya sa Estados Unidos na bigyan ng trabaho ang mga manggagawang Pilipino na lumikas mula sa Sudan.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, titignan ng US firms ang profiile ng mga nagsilikas na manggagawa, lalo’t karamihan naman sa mga ito ay skilled workers.

Ilan aniya sa mga ito ay international school teachers, mga nurse, mayroon ring construction workers, at mga engineer.

“They’re willing na tingnan ‘yung profiles nung mga galing Sudan kasi sabi ko these are skilled workers. Sabi ko, may international school na teachers may mga nurses, mayroon ding construction workers tsaka mga engineers. So sabi naman nila, they’re willing to look at the profiles,” pahayag ni Secretary Ople.

Ilan lamang aniya sa mga US employer na nagpahayag ng kahadaang i-hire ang mga na-rescue na Pilipino ay sina Patty Jeffrey, Executive Vice President for International Operations of MedPro International.

Kabilang rin ang Magsaysay People Resources/Magsaysay Maritime Corporation sa ilalim ng pamamahala ni Doris Magsaysay-Ho, at John Padget, presidente at chief experience and innovation officer ng Carnival Corporation, Princess Cruises.

Ayon kay Secretary Ople, hinahanda na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang profile ng mga nagsilikas na OFW, at agad nilang isusumite sa US at Saudi Arabia employers. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us