Ilang lugar sa QC at Caloocan City, mawawalan ng suplay ng tubig simula mamayang gabi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaking bahagi ng lungsod Quezon ang mawawalan ng suplay ng malinis na tubig simula mamayang gabi, Mayo 2 hanggang 8.

Sa abiso ng Maynilad Water Services Inc., may isasagawa umano silang network maintenance sa mga apektadong lugar.

Kabilang sa maapektuhang barangay ay ang Apolonio Samson, Mariblo, Sienna, Sauyo, San Antonio,Bungad, Talipapa, Ugong,Talipapa, Sauyo, Sto. Niño, San Isidro Galas, NS Amoranto, Maharlika, Paang Bundok, Batasan Hills at Holy Spirit.

Ang iba pang barangay na maapektuhan ng water interruption ay sa Caloocan City at barangay Tanza sa Navotas City.

Pinapayuhan ang mga residente sa affected areas na mag-imbak ng sapat na tubig na magagamit sa panahong nararansan ang water interruption. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us