Ilang senador, nagbabala sa pagmamadaling ipasa ang Maharlika Investment Fund Bill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala sina Senadora Imee Marcos at Senador Chiz Escudero laban sa pagmamadaling maipasa ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

Ayon kay Marcos, bagama’t ideal na maipasa ang MIF bago ang adjournment sa June 2, ang problema ay hanggang ngayon ay wala pang pinal na porma ang naturang panukala.

Ipinunto ng senadora na may mga pinapasa pa rin kasing ammendments sa MIF bill ang Department of Finance (DOF).

Iginiit ni Senadora Imee na hindi ito dapat madaliin dahil malaking pera ang pinag-uusapan dito.

Sinabi naman ni Escudero na bagamat sertipikadong urgent bill ay pwede naman itong ipasa kahit sa pagbabalik sesyon na ng Kongreso at hindi naman kailangang ipasa na ito hanggang ngayong linggo.

Sa ngayon ay nalalabuan pa rin ang senador sa layunin at pangunahing rason ng pinapanukalang pondo.

Iginiit rin ng mambabatas na wala pang pinapasang ‘test of economic viability’ ang economic team, na minamandato ng konstitusyon sa pagbuo ng bagong government-owned and -controlled corporation (GOCC) o ng Maharlika Investment Corporation (MIC).

Sa ngayon ay business proposal pa lang aniya ang naiprepresenta ng economic team. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us