Ilang tauhan ng NPD, ipinasisibak sa pwesto ni NCRPO Chief Okubo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinasisibak sa pwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Edgar Alan Okubo ang ilang tauhan ng Northern Police District (NPD).

Ito ay kasunod ng insidente ng pamamaril at paghagis ng granada ng ilang suspek sa tanggapan ng NPD-Drug Enforcement Unit sa Caloocan City.

Ayon kay NCRPO Chief, kabilang sa kanyang pinaaalis sa pwesto ang hepe ng NPD DDEU, Assistant Chief ng NPD DDEU, Commander ng Sub-Statiob 4.

Yan ay para bigyang-daan ang isasagawang imbestigasyon sa insidente.

Pagbigay din ng isang linggong palugit sa heneral para bigyang linaw ang nasabing krimen.

Kinukondena ni Okubo ang insidente dahil bukod sa mga pulis nalagay din sa peligro ang publiko. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us