Illegal recruiter ng mga aplikante sa Phil. Coast Guard, arestado ng PNP-SAF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) at Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang illegal recruiter ng mga interesadong aplikante sa PCG.

Sa ulat ng SAF na nakarating sa Camp Crame, inaresto ang dalawang suspek matapos tanggapin ang P91,000 marked money mula sa nagpanggap na aplikante sa entrapment operation sa Barangay Binuangan, Isabela City, Basilan.

Kinilala ang mga ito na sina Yazier Tanji Balling, 32; at si Rodel Alegre Lagayan, 44.

Nakuha sa dalawa ang isang katutak na PCG application folder at isang cellphone na may record ng mga transaksyon sa kanilang mga biktima.

Matatandaang una naring naaresto ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong nakaraang linggo ang isa sa tatlong suspek, na may kahalintulad na modus sa Baclaran Church sa Parañaque. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us