Imbestigasyon ng krisis sa kuryente sa Visayas, isinusulong ni Sen. Poe

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ni Senador Grace Poe ang Senate Resolution 579 para maimbestigahan sa Senado ang nangyayaring power interruption sa Isla ng Panay.

Iginiit ni Poe, na panahon na para bumuo ng pangmatagalang solusyon sa problema sa suplay ng kuryente na labis na nakakaapekto sa pang araw-araw na buhay ng mga residente at gawaing pang-ekonomiya sa rehiyon.

Binigyang diin pa ng senador, na dapat matukoy ang pangunahing sanhi ng grid disturbances na iniulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil di umano sa pagbagsak ng distribution utilities (DUs).

Kasabay nito, dapat din aniyang malaman sa pagdinig ang posisyon ng mga electric cooperative sa Panay at Negros matapos nilang ituro ang NGCP na siyang sanhi ng problema sa malawakang brownout sa nasabing mga isla.

Sinasabi ng isang electric cooperative na nagkaroon ng voltage fluctuation at frequency imbalance sa linya sa ilalim ng pamamahala ng NGCP.

Ayon sa mambabatas, dapat managot ang ugat ng pagkakaantala ng suplay ng kuryente at matapos na ang sisihan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us