Positibo si House Minority Leader Marcelino Libanan na maliban sa pagpapabilis at pagsasa-ayos ng serbisyo ng Bureau of Immigration (BI) ay matutugunan din ng panukalang Bureau of Immigration Modernization Bill ang kakulangan sa tauhan ng ahensya.
Ayon kay Libanan na nagsilbing Immigration Commissioner noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang mababang sahod ng kawani ng BI ang dahilan kung bakit nagkukulang sila ng tauhan.
Kaya naman kung maitataas aniya ang kanilang sweldo ay posibleng mapunan na ang nasa 742 na bakanteng posisyon sa BI o katumbas ng 26% vacancy rate.
Sa ilalim ng panukala ay itataas ng dalawang baitang ang kasalukuyang Salary Grade ng mga Immigration officer.
Halimbawa na lamang ang Immigration Officer 1 na kasalukuyang nasa SG11 ay iaakyat sa SG13 oras na maisabatas ang panukala.
“We are counting on the full automation and digitization of the BI’s processes and services to reinforce border security and improve travel experience,” ani Libanan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes