Inflation, lalong bumagal nitong Abril — PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanatili ang downward trend o pagbagal pa ng inflation sa bansa nitong buwan ng Abril.

Sa ulat ni Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bumaba sa 6.6% ang inflation mula sa 7.6% ang inflation noong Marso.

Ito na ang ikatlong buwan ng tuloy-tuloy na pagbaba ng inflation sa bansa.

Pasok din ito sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 6.3 hanggang 7.1%.

Paliwanag ng PSA, bunsod ito ng mas mabagal na paggalaw ng presyo ng food and non-alcoholic beverages kabilang ang sibuyas, galunggong at manok.

Mula kasi sa 9.3 % na inflation noong Marso ay bumaba ito sa 7.9% nitong Abril.

Nakaambag rin sa pagbagal ng antas ng inflation ang bumabang inflation sa diesel at gasolina.

Ikatlo pang nakaambag ay ang pagbagal sa pagtaas ng presyo ng kuryente at LPG.

Maging ang core inflation ay bumaba rin sa 7.9%

Pagdating sa National Capital Region, ay bumaba rin sa 7.1% ang headline inflation mula sa 7.8% noong Marso dahil sa mas mabagal na galaw ng presyo ng kuryente at LPG. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us