Naglunsad ang Department of Education ng pagbabakuna sa mga guro at non-teaching personnel laban sa influenza sa General Santos City.
Ang influenza vaccination ay inisyatiba ng Schools Division Office na may layuning mabigyan ng karagdagang proteksyon ang mga kawani laban sa sakit.
Target ng School Health and Nutrition Section ang 100 percent vaccination sa mahigit 200 empleyado ng SDO.
Naging maayos ang proseso at marami ang nabakunahan dahil libre ito para sa mga empleyado.
Upang matiyak na maipatutupad ang health at safety protocols at maiwasan ang overcrowding, nagkaroon ng sistema sa vaccination area kung saan tig-sasampung indibidwal lamang ang pinapapasok. | ulat ni Hajji Kaamiño
📷: Division nurses/SHNS