Ipinakitang interes ng US companies na mamuhunan at magbukas ng trabaho sa Pilipinas, mas makakaakit ng ibang foreign investors sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na lalo pang lalakas ang posisyon ng Pilipinas para makaakit ng mga mamumuhunan kasunod ng ipinakitang interes ng US companies na magbukas ng trabaho bansa.

Sa official working visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos ay maraming kasunduan ang nalagdaan na magdadala ng dagdag trabaho at kita sa Pilipinas.

“I am confident that these initial fruits of the President’s labor during his official visit to the US will boost investor confidence in the Philippines, giving us reason to expect additional investments and more jobs for our people,” saad ng House leader.

Kabilang dito ang Carnival Group of companies na nakatakdang mag-hire ng 75,000 Filipino seafarers sa susunod na tatlo hanggang apat na taon.

Inaasahan rin ang pagbubukas ng kauna-unahang call center office ng business process outsourcing (BPO) firm Atento sa Iloilo.

 Ang kumpanya naman na Optum ay maglalagak ng Php800 million na investment para sa medical BPO na magbubukas ng 1,500 na trabaho.

Dagdag employment opportunity din ang bubuksan ng planong “Shared Service Facility for Pharmacovigilance” ng Moderna sa bansa lalo na para sa health professionals.

“The Philippines has a lot to offer foreign investors, including a young and growing workforce, a strategic location, and a favorable business environment. I am confident that Pres. Marcos, Jr. will continue to attract more foreign investment to our country, which will help us achieve our goal of inclusive growth,” dagdag ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us