Inaasahang pipirmahan na ngayong araw ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Marawi Siege Victim’s Compenstion Act.
Ayon kay Saliha Lalanto ang Board of Secretary ng Marawi Compensation Board, nitong May 19 nang maaprubahan ang Third Draft ng IRR ng Marawi Siege Victim’s Compenstion Act at magkakaroon ng Ceremonial Signing ngayong araw.
Kabilang sa nilalaman ng IRR ang pagtukoy sa mga mabibigyan ng kompensasyon at ang proseso kung paano ito maki-claim
Nilinaw ni Lalanto na ang nasirang bahay lang ang mabibigyan ng kompensasyon at hindi kasama ang lupa
Hindi na rin aniya kailangan magpakita ng titulo ng lupa bilang patunay ng pagmamay-ari ng claimant ng nasirang bahay.
Ang Marawi Siege ay nangyari halos anim na taong nang nakalilipas kung saan libo-libong residente ang nawalan ng tirahan at negosyo dahil sa gyera sa Marawi. | ulat ni Don King Zarate
📸: PNA