Isinagawang Air Traffic Management Center maintenance, matagumpay — CAAP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na naging matagumpay ang isinagawang maintenance sa kanilang Air Traffic Management Center, kaninang madaling araw.

Ayon sa CAAP, mas maaga pa sa inaasahan ang pagtatapos ng isinagawang maintenance activities kaninang alas-3:13 kumpara sa target deadline na alas-4 ng umaga.

Kasunod nito, kapwa iniulat ng CAAP gayundin ng Manila International Airport Authority (MIAA) na walang naapektuhang biyahe habang nakasara ang airspace ng Pilipinas.

Matapos ang isinagawang aktibidad, agad nakabalik naman sa normal ang operasyon ng mga paliparan dito sa Maynila gayundin sa iba pang paliparan na pinatatakbo ng CAAP.

Kasabay niyan, muling tiniyak ng CAAP na ang ginawang maintenance activity ay naglalayong huwag nang maulit ang nangyaring aberya sa mga paliparan nitong Enero 1 ng taong kasalukuyan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us