KADIWA Mobile Store sa Parañaque City, nadagdagan pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang mga KADIWA mobile store na maaaring mapuntahan ng mga residente ng Parañaque City.

Ito’y matapos magbukas kahapon, Mayo 30 ang KADIWA ng Pangulo sa Area 5, Fourth Estate Subdivision sa Brgy. San Antonio sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa Parañaque City Public Information Office, tinatayang mahigit 100 mga residente ng Area 5 ang tumangkilik at bumili ng mga gulay at prutas mula sa Duran Farms at Cada Farms na lumahok sa proyekto.

Ilan lamang sa mga mabibili sa KADIWA ng Pangulo sa Fourth Estate Subdivision ay:

Patatas – Php 90 per kilo

Red Cabbage – Php 130 per kilo

Baguio Beans – Php 30 per kilo

Bell Pepper – Php 150 per kilo

Carrots – Php 60 per kilo

Cherry Tomatoes – Php 30 per pack

Ngayong araw ng Miyerkules, matatagpuan ang KADIWA mobile store sa Levitown, Better Living Subdivision sa Brgy. Don Bosco at Airport Village sa Brgy. Moonwalk.

Maliban sa Area 5, Fourth Estate Subdivision na bukas tuwing araw ng Martes, matatagpuan din ang KADIWA mobile store sa iba’t ibang bahagi ng lungsod sa mga piling araw.

Tuwing Lunes, matatagpuan ito sa Raya Gardens sa Brgy. Merville at Bricktown Subdivision sa Brgy. Moonwalk; Phimra Subdivision sa Brgy. Moonwalk tuwing Martes.

Tuwing Biyernes naman ay nasa City Hall ng Parañaque at ROMVI sa Barangay Moonwalk ang KADIWA mobile store.

Habang nasa Aeropark Subdivision sa Brgy. Don Bosco at Fountain Breeze sa Brgy. San Isidro ang KADIWA tuwing araw ng Sabado at sa Petron – Doña Soledad sa Brgy. Don Bosco gayundin sa Camella Homes Classic sa Brgy. San Antonio tuwing Linggo.

Nananatiling bukas naman ang KADIWA ng Ani at Kita sa may Petron Station, Brgy. San Antonio mula Lunes hanggang Linggo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us