Kahandaan ng national gov’t sa pag-alalay sa LGUs sa inaasahang pagpasok ng bagyo, tiniyak ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahandaan ng national government para tumulong sa LGU na nakasasakop sa mga lugar na posibleng tamaan ng bagyo na tatawaging Betty sa sandaling makapasok na sa PAR.

Sa media interview sa Punong Ehekutibo, sinabi nitong mayroong pakikipag-ugnayan na ginagawa sila sa mga nasa lokal na pamahalaan sa gitna ng pagnanais nilang maging updated sa sitwasyon ng mga lugar na tatamaan ng bagyo.

Kaugnay nito’y sinabi ng pangulo na ngayong linggong ito ay halos puspusang preparasyon na ang ginagawa ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno para sa nakatakdang pagdating ng bagyo.

Kung anuman aniya ang kakailanganin ng mga kinauukulang LGU ay handa ang pamahalaang nasyonal na tumugon base sa kanilang magiging pangangailangan.

Sa ngayon sabi ng pangulo ay ipinauubaya nila sa LGU ang anumang hakbang na kanilang gagawin sa kanilang nasasakupan pero tiniyak na nakaalalay naman ang national government kung kailangan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us