Pinulong ni House leaders ang mga opisyal ng Bureau of Plant Industry (BPI) para makapaglatag ng dagdag pang mga hakbang at reporma para tuluyang mabuwag ang onion cartel sa bansa.
Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pulong kasama sina House Committee on Food Chair Mark Enverga, House Appropriations Cttee Chair Elizaldy Co at senior vice-chair Stella Quimbo.
Diin ni Romualdez na maliban sa mismong mga sangkot sa cartel, ang mga traders, profiteers at iba pa na patuloy na mananamantala sa mga mamimili ay mahaharap din sa kaso.
“Those who are part of the solution we will help; those who are part of the problem, we will not tolerate. We will go after them and make the proper recommendation for prosecution,” saad ni Romualdez.
Tiniyak naman ni BPI Dir. Glenn Panganiban na sa loob ng isang linggo ay maisusumite nila sa tanggapan ng House Speaker ang policy reforms na ipatutupad ng ahensya kasunod ng serye ng pagdinig ng komite.
Kabilang dito ang pagbubukas sa importasyon maliban sa panahon ng anihan, pagbuhos ng ayuda sa mga mgasasaka para mapalakas ang produksyon, at pagrepaso sa tariff rates ng imported onions.
Ipinapaabot naman ani Romualdez, ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr ang pasasalamat sa pagtulong ng Kamara na habulin ang mga kasapi ng cartel.
“At least he knows that we are helping him as Secretary of Agriculture in stamping out these malpractices,” diin ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes