Ipinaabot ng House of Representatives ang pakikiramay sa naiwang pamilya at constituent ni Nueva Vizcaya Gov. Carlos Padilla.
Sa isang pahayag, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na kaisa ng Kamara sa pagdadalamhati ang mga taga Nueva Vizcaya at pamilya Padilla sa pagpanaw ng gobernador na dati rin nilang kasamahan sa Mababang Kapulungan.
“Our deepest sympathies, thoughts and prayers are with them, especially his wife, former Gov. Ruth Padilla, and his children – Carlos ‘Jojo’ II, Ruthie Maye and Carlo Paolo, and his grandchildren – at this difficult time of grief and mourning. We will always remember Gov. Carling Padilla as a great leader of his province and a humble colleague in the House of Representatives. He was always soft-spoken, non-combative, unobtrusive, level-headed,” saad ni Romualdez.
Bago nahalal bilang gobernador ng lalawigan si Padilla noong 2016, 2019 at nitong 2022 ay nagsilbi muna ito bilang miyembro ng House of Representatives mula 1987 hanggang 1992; 19995 hanggang 2005 at 2007 hanggang 2016.
Naitalaga siya bilang Deputy Speaker at Minority Leader.
Kabilang sa mga panukalang isinulong ni Padilla ang Free High School Education Act of 1988, Republic Act No. 6728 o “Government Assistance To Students and Teachers In Private Education Act; RA No. 7104, na bumuo sa Commission on Filipino Language; Philippine Nursing Act at Philippine Dentistry Act. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
?: HOR/Facebook