In-adopt ng Kamara sa plenaryo ang Senate Bill 2219 o bersyon ng Senado ng panukalang magpapalawig sa Estate Tax Amnesty.
Salig sa panukala, ang amnesty ay mae-extend ng hanggang June 2025 mula sa orihinal nitong pagtatapos na Hunyo ngayong taon.
Sakop na rin ng panukala ang ari-arian ng mga indibidwal na pumanaw bago ang December 31, 2021 mula sa kasalukuyang December 2017 coverage.
Pinahintulutan rin ng panukala ang electronic o manual filing ng estate tax amnesty returns at pagbabayad ng tax sa mga otorisadong bangko, revenue district officer, o tax software provider.
Maliban dito dinalian at binawasan din ng Senado ang documentary requirement para sa pag-avail ng tax amnesty.
Dahil naman dito ay hindi na ito isasalang pa sa bicameral conference committee at maiaakyat na rin sa tanggapan ng Pangulo para malagdaan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes