Kamara, sinimulan na ang paghahanda para sa ikalawang SONA ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpalabas na ng paunang advisory ang tanggapan ng House Secretary General kaugnay sa paghahanda para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Batay sa memorandum mula sa Secretary General’s Office, alas-10 ng umaga ng July 24 magbubukas ang Second Regular Session ng 19th Congress, salig sa 1987 Constitution.

Alas-4 ng hapon naman idaraos ang mismong SONA ng Pangulo.

Mahigpit na ipatutupad ang ‘No SONA 2023 ID, No Entry’ at ‘No SONA Car Pass, No Entry’ policy.

Magpapatupad rin ng one kilometer radius ‘No Fly Zone’ sa palibot ng Batasang Pambansa Complex mula ala-1 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Magkakaroon din ng isang Joint Operation Coordinating Center na pangungunahan ng House Sergeant-at-Arms katuwang ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba pang ahensya na may kinalaman sa seguridad ng SONA 2023.

Sisimulan naman ang lockdown period sa Batasan Complex ng July 20.

Magkakaroon muli ng panibagong advisory ang House Secretariat patungkol naman sa registration ng ID, car pass at health and safety protocol.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us