Kasunduan sa kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Canada, isusulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isusulong ng Pilipinas at Canada ang konklusyon ng Memorandum of Understanding (MOU) on Defense Cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

Ito ang napagkasunduan ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. at Ambassador of Canada to the Philippines H.E. David Bruce Hartman sa pagbisita ng embahador sa Camp Aguinaldo.

Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, nagpahayag ng kumpiyansa si Galvez na patuloy pang lalago ang ugnayan ng Pilipinas at Canada sa pagdiriwang ng kanilang ika-75 anibersaryo ng diplomatikong relasyon sa 2024.

Ibinahagi naman ni Amb. Hartman ang Indo-Pacific Strategy ng Canada, na nagbibigay ng inisyatiba at oportunidad para sa kolaborasyon sa rehiyon.

Kaugnay nito, ipinanukala ni Galvez na palakasin ng Pilipinas at Canada ang kanilang kooperasyon sa larangan ng cybersecurity.

Kapwa nagpahayag ang dalawang opisyal na pagsisikapan nila na maisapinal ang MOU on Defense Cooperation na magsisilbing “framework” sa pagpapahusay ng “interoperability” ng Defense at Military establishment ng dalawang bansa. | ulat ni Leo Sarne

📸: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us