Kauna-unahang Green Awards sa bansa, inilunsad ng QC LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas mahikayat ang mga residente na makiisa sa pangangalaga sa kalikasan, ay pormal nang inilunsad ng Quezon City government ang kauna-unahang Green Awards sa bansa o ang “Quezon City Green Awards: Search for Outstanding Disaster Risk Reduction and Climate Action Programs.”

Layon nitong kilalanin at bigyang-parangal ang barangays, Sangguniang Kabataan, youth-based organizations, at mga negosyong nagsusulong ng mga programa tungo sa Disaster Risk Reduction and Climate Action.

Mayroon itong tatlong kategorya: ang Green Award, Resiliency Award at Green and Resilient Champion.

Ang mga interesadong makilahok rito ay kailangan lang na magrehistro sa QC Green Awards microsite (greenawards.quezoncity.gov.ph), at magsumite ng requirements hanggang sa July 15.

Itinakda naman ang awarding nito sa Oktubre kung saan makatatanggap ng tropeo at cash grant ang mapipiling organisasyon at institusyon

“With the QC Green Awards, we hope to engage more QCitizens in our efforts towards our vision of establishing a liveable, green, sustainable, climate and disaster resilient future for all,” pahayag ng QC LGU. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us